BAKIT IKAW PA
-SHIRIMAE
Nang unang masulyapan ka
Bigla ko nalang nadama ang banyagang damdamin.
Hindi ko malaman kung ano yun
at bakit ganon..
ito'y bigla nalang Dumating sa aking inosenteng Damdamin..
Madalas kong matanong kung totoo ba ito?
o baka isang kathang isip lamang ng isang batang tulad ko?
pero sa bawat araw na dumaan lalong
Lumalalim itong kakaibang damdamin,
Bawat pagkakataon na ikaw nasusulyapan
Ako'y lalong nalulunod sa damdaming umaapaw.
pero Ako'y naguguluhan kung bakit hinahanap ang iyong kawalan?
at ngaun ako ay nasasaktan
dahil sayo naramdaman ang isang mahika ng kalikasan
mahika na napakasarap kung itoy matutugunan.
ngunit sadjang mapaglaro ang tadhana hinayaan niya akong
umibig sa isang nilalang na ang tanging tingin lamang sa akin ay isang
Ordinaryong kaibigan ...
Bakit nga ba ikaw??
Na ang tanging maibibigay lang ay pagkakaibigan?
Hindi ko to gusto..
pero hindi ko mapigilan..
na kahit sulyap lang ang tangi kong nagagawa pero ang puso ko ay tumatalon na sa tuwa
at umaasa na balang araw, sana'y tayo ring dalawa..
HILING NG PUSO
-SHIRIMAE
Madalas sa aking buhay
ako ay umasa at mangarap
mali man para sa iba
pero tama para sa akin.
Masaktan man ng pulit-ulit
sa kabiguang nakamit
ito'y walang silbi
pag ikaw ay kalapit.
Sa bawat liko ng
buhay na aking tahakin
ay laging ikaw
ang nasa isip.
Hindi man ako
pansin ng iyong
paningin
ay ninanais
parin na ikaw ay makamit.
Sana sa susunod na daan na
aking tatahakin
ay ikaw na
ang aking kalapit.